HINDI GINUSTO NG DIOS NA MAPAHAMAK ANG
MGA MAKASALANAN SA LUGAR NG IMPIYERNO, ANG TAO ANG GUMAWA NG PASYA NA MAPAHAMAK
SILA SA WALANG HANGGANG KAPAHAMAKAN SA IMPIYERNO.
(God did not send anyone [lost person] in everlasting
punishment in hell, that is their choice to go in everlasting punishment in
hell fire.)
(Mateo:13-14) 13 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan:
sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak,
at marami ang doo'y nagsisipasok.
14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang
daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.
* PANIMULA:
* Ang Dios ay nagpahayag ng Kanyang
pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong hindi ligtas.
(Juan 3:16) Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa
sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang
sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan.
* Ang katunayan ng pagmamahal ng Dios
sa lahat ng mga makasalanan ay nang isinugo Niya ang Kanyang Bugtong na Anak
ang Panginoong Jesu-Cristo.
* Hindi nais ng Dios na ang sinoman
ay mapahamak sa IMPIYERNO.
( II Pedro 3:9 ) Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang
pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa
inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay
magsipagsisi.
* Mahigpit na utos ng Dios na sagipin
at iligtas ang mga mapapahamak sa IMPIYERNO. God commanded the Christians to
rescue the perishing lost souls in hell fire.
( Judas 1:23 ) At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa
apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng
damit na nadungisan ng laman.
* Nagutos ang Panginoon Jesus sa
Iglesya lokal na humayo sa buong Mundo at ipahayag ang Ebangelio ni Cristo para
maligtas ang kaluluwa ng mga makasalanan.
( Mateo 28:19-20 ) Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga
alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang
lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong
palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
7 MALI AT MALUNGKOT NA PASYA NG MGA
MAKASALANAN NA PATUNGO SA LUGAR NA WALANG HANGGAN KAPAHAMAKAN SA IMPIYERNO.
1. MAS PINILI NILA ANG MALUWANG AT
MALAPAD NA DAAN PATUNGO SA KANILANG KAPAHAMAKAN SA IMPIYERNO.
(They choose the wide gate going to
destruction in hell for ever and ever.)
(Mateo 7:13-14) 13 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan:
sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak,
at marami ang doo'y nagsisipasok.
14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang
daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.
2. MAS PINILI NILA ANG KANILANG
MABUBUTING GAWA AT PAG-GAWA NG MAKAPANGYARIHANG GAWA NA SIYANG MAKAKAPAGLIGTAS
SA KANILANG KALULUWA.
(They choose their own good works and
powerful works than the salvation of their own souls.)
(Mateo 7:22-23) 22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon,
Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa
pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa
kami ng maraming gawang makapangyarihan?
23 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila,
Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong
manggagawa ng katampalasanan.
3. MAS PINILI NILA ANG KANILANG RELIHIYON
KAYSA SA KALIGTASAN NG KANILANG KALULUWA.
(They choose their own religion
instead of the salvation of their souls)
(Mga Gawa 17:23-25) 23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng
mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na
may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba
sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.
24 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng
mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay
hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga
kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay,
yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng
mga bagay;
4. MAS PINILI NILA ANG KANILANG
KAYAMANAN AT KASAYAHAN SA MUNDO KAYSA SA KALIGTASAN NG KANILANG KALULUWA.
(They choose their own richest and
the present joy in this world than the salvation of their souls)
(Lukas 12:19-20) 19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa,
marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka,
kumain ka, uminom ka, matuwa ka.
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na
haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na
inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?
21 Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang
sarili, at hindi mayaman sa Dios.
5. MAS PINILI NILA NA ITULOY ANG
MAKAMUNDO AT KANILANG KASALANAN KAYSA SA KALIGTASAN NG KANILANG KALULUWA.
(They choose to continue their sins
in this world instead of their salvation of their own soul)
(Efeso 2:2-3) 2 Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng
sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu
na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang
panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang
mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng
kagalitan, gaya naman ng mga iba:
6. MAS PINILI NILA ANG MGA IMPOSTOR
NA TAGAPAGTURO KAYSA TOTOONG CRISTIANONG TAGAPAGTURO NG KATOTOHANAN NG BIBLIA.
(They choose the false teachers
instead of the genuine Christian who teach the truth of the Bible.)
( II Timoteo 4:3-4 ) 3 Sapagka't darating ang panahon na hindi nila
titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay
magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang
sariling mga masasamang pita;
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga
tainga, at mga ibabaling sa katha.
* Mga bulaang Cristiano na tagapag-akay
ni Satanas na dumadaya sa marami.
( II Corinto 11:13-15 ) 13 Sapagka't ang mga gayong tao ay mga bulaang
apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni
Cristo.
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay
nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga
ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang
wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
7. MAS PINILI NIYA ANG MAGMATAAS
KAYSA SA MAGPAKABABA AT MAGSISI NG KANYANG KASALANAN AT TANGGAPIN SI JESUS SA
PUSO NIYA.
(He chooses his own pride than to
confess his sin and accept Jesus Christ as his Lord and Saviour of his life.)
( Mga Gawa 26:27-29 ) 27 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta?
Nalalaman kong naniniwala ka.
28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting
paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano.
29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa
kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga
nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang
sa mga tanikalang ito.
* God bless you all always *
No comments:
Post a Comment