PAPAANO
NATIN MALALAMAN KUNG ANG DIYOS AY GUMAGAWA PA SA ATING BUHAY-KRISTIYANO?
(How
do we know that God is still working and moving in our Christian life?)
Efeso 2:10 Sapagka't
tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na
mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
Filipos 2:13 Sapagka't
Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang
mabuting kalooban.
Panimula:
a. Ang
kaligtasang naranasan ng bawat tunay na Kristiyano ay simula pa lamang ng
dakilang pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Ngunit ang kaligtasan ang
pinakadakila sa lahat ng ginawa ng Diyos dahil dito natin tinanggap ang Kanyang
walang kapantay na pag-ibig.
Juan 3:16 Sapagka't
gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang
kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
b. Ang
Diyos ay hindi pa tapos sa ating buhay pagkatapos nating maligtas. Nais Niya
tayong patuloy na hubugin upang maging katulad ni Kristo, at upang maging
epektibo at mabunga ang ating buhay-Kristiyano.
c. Ang
Panginoong Hesus ang huwaran o pattern na ginagamit ng Diyos upang
hubugin ang karakter ng bawat Kristiyano.
LIMANG (5) MAHAHALAGANG PALATANDAAN NA ANG DIYOS AY
GUMAGAWA PA SA ATING BUHAY:
1. HINAHAMON
TAYO NG DIYOS NA MAMUHAY NG ISANG BAGONG PAMUMUHAY TULAD NI KRISTO.
(God
still challenges us to live a new life like the Lord Jesus Christ.)
2 Corinto 5:17 Kaya't kung
ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay
nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
a. Hindi
natin kayang baguhin ang ating sarili sa sarili nating lakas; ang Diyos ang
nagbabago sa atin mula sa dating masamang pamumuhay patungo sa bagong buhay kay
Kristo.
b. Si
Kristo ay nag-iwan sa atin ng perpektong halimbawa ng matuwid na pamumuhay
upang ating sundan.
1 Pedro 2:21 Sapagka't
sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa
inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga
hakbang niya:
c. Ang
pagbabago ng isang Kristiyano ay isang proseso na araw-araw na ginagawa ng
Diyos.
2 Corinto 4:16 Kaya nga hindi kami
nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming
pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
2.
HINAHAMON TAYO NG DIYOS NA MAMUHAY NG BANAL AT MALINIS.
(God
challenges Christians to live a holy and clean life.)
Juan 15:1-3 1 Ako ang
tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.
2 Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga,
ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang
lalong magbunga.
3 Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na
sa inyo'y aking sinalita.
a. Sinabi
ni Hesus na nililinis Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita (Juan
15:3).
b. Ang Salita ng Diyos ay ang
mabisang instrumento para sa pagpapakabanal at paglilinis ng buhay ng bawat
Kristiyano.
Juan 17:17 Pakabanalin
mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
2 Timoteo 2:21 Kung ang
sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri,
pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
3. HINAHAMON TAYO NG DIOS NA UMASA SA KANYANG KAALIWAN SA
PANAHON NG PAGSUBOK.
(God
still challenges us to trust Him for comfort when we face deep trials in the
Christian life.)
2 Corinto 1:4, 9-10 4 Na siyang
umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang
kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.
9 Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa
kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na
bumubuhay na maguli ng mga patay:
10 Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong
lubhang malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya
namang magliligtas pa sa amin;
a. Ang
Diyos na nagpapahintulot ng pagsubok ay Siya rin ang mag-aaliw at magliligtas
sa Kristiyano sa gitna ng matitinding suliranin.
2 Corinto 4:10 Laging saan
ma'y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay
mahayag naman sa aming katawan.
b. Tapat
ang Diyos at hindi Niya hahayaang dumanas tayo ng pagsubok na higit sa ating
makakaya.
1 Corinto 10:13 Hindi
dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't
tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong
makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag,
upang ito'y inyong matiis.
c. May
gantimpala at pagpapala ang Diyos pagkatapos ng matapat na pagharap sa
pagsubok, tulad ng naranasan ni Job.
JOB 42:12, 17 Job 42:12
Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, ang huling wakas ni Job na higit kay sa
kaniyang pasimula: at siya'y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim
na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong
babae.
Job 42:17 Gayon namatay si Job, na matanda at
puspos ng mga kaarawan.
4. HINAHAMON TAYO NG DIYOS NA MANALANGIN AT MAGTAWAG NG
MGA MANGGAGAWA PARA SA KANYANG ANI
(God
challenges us to call more laborers into His harvest.)
Lukas 10:1-2 1
Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa,
at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at
dako na kaniyang paroroonan.
2 At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami
ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa
Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.
a. Si Kristo ay nagsanay ng
pitumpung (70) manggagawa upang katuwang sa pag-aani ng mga kaluluwa.
b. Hinahamon
tayo ni Kristo na imulat ang ating mga mata sa malawak na ani ng mga kaluluwang
handa nang maligtas.
Juan 4:35 Hindi baga
sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa
inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang
mga bukid, na mapuputi na upang anihin.
c. Ang
unang iglesya sa Jerusalem ay nananatiling magandang huwaran ng isang buhay at
mabungang pamayanan.
Mga Gawa 2:46, 47 At
araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa
pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang
pagkain na may galak at may katapatan ng puso.
47 Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng
paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong
nangaliligtas.
5. HINAHAMON TAYO NG DIYOS NA HUMAYO SA BUONG MUNDO UPANG
IPAHAYAG ANG EBANGHELYO.
(God
still challenges the Church to go into all the world and preach the gospel of
Christ.)
a. Ang
pandaigdigang misyon (world missions) ang itinalagang susi ng Diyos
upang ang Ebanghelyo ni Hesus ay makarating sa bawat tao sa buong daigdig.
b. Bahagi
ng utos ni Kristo ang bautismuhan sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na
Espiritu ang bawat sumasampalataya at naligtas.
c. Kalakip
ng utos na ito ang Kanyang dakilang pangako na sasamahan Niya tayo sa paghayo
hanggang sa katapusan ng sanlibutan.
Pangwakas:
Ang
Diyos ay laging handang gumawa at kumilos sa buhay ng bawat Kristiyano. Ang
Kanyang layunin ay maging epektibo, mabunga, at kapuri-puri ang ating pamumuhay
para sa Kanyang kaluwalhatian.
1 Pedro 5:10 At ang
Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang
kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling
panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.
God
bless you all always!
No comments:
Post a Comment