GOOD SIGNS
OF THE CHRISTIAN WHO ALWAYS DEPENDS ON GOD
(Magagandang
mga Palatandaan ng Kristiyanong Laging Nakasalalay sa Diyos)
( Mga Awit 37:3-8 ) 3 Tumiwala
ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong
kumain sa kaniyang pagkatapat.
4 Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan
ka niya ng nasa ng iyong puso.
5 Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon;
tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
6 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang
iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
7 Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay
kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na
gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang
katha.
8 Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang
poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
Panimula:
a.
Si Haring David ay isang mabuting halimbawa ng isang
Kristiyano (o mananampalataya) na laging umaasa sa Diyos sa kanyang
pang-araw-araw na buhay, sa mabuti man o sa masamang panahon.
b.
Ito ang disenyo ng Diyos para sa ating pamumuhay—ang
patuloy na pagkakatiwala sa Kanya ang siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa
ating buhay Kristiyano.
Mga
katunayan nang lubos na pagtitiwala ni Haring David sa Diyos:
1.
KING DAVID TRUSTED IN THE LORD ALL HIS LIFE
(Nagtiwala
si Haring David sa Panginoon sa buong buhay niya)
( Mga Awit 37:3 ) Tumiwala ka
sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong
kumain sa kaniyang pagkatapat.
a.
Nang kailanganin ni Haring David ang tulong ng Diyos,
natutunan niyang magtiwala sa Kanya.
( Mga Awit 91:1-2 ) 1 Siyang
tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng
Makapangyarihan sa lahat.
2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y
aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.
b.
Sa panahon ng kaguluhan at kawalan ng pag-asa sa buhay,
natutunan niyang magtiwala sa Diyos.
( Mga Awit 94:16-17 ) 16 Sino ang
babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil
sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
2.
KING DAVID DELIGHTED IN THE LORD ALL HIS LIFE
(Natuwa
at nagpakaligaya si Haring David sa Panginoon sa buong buhay niya)
( Mga Awit 37:4 ) Magpakaligaya
ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
a.
Natutuwa at nasisiyahan si Haring David sa Salita ng
Diyos.
( Mga Awit 1:2 ) Kundi ang
kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya
nagbubulaybulay siya araw at gabi.
b. Pinatototohanan
ni Haring David na napakasaya niya sa kanyang Panginoon.
( Mga Awit 23:1 ) Ang
Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
*
Nasa Panginoon lamang ang tunay na pag-asa sa lahat ng
ating kailangan sa ating buhay Kristiyano.
3.
KING DAVID COMMITTED HIS WAYS UNTO THE LORD ALL HIS LIFE
(Inihabilin
ni Haring David ang kanyang mga lakad sa Panginoon sa buong buhay niya)
( Mga Awit 37:5 ) Ihabilin mo
ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang
papangyayarihin.
a. Habang
lumalapit tayo sa Panginoon araw-araw sa pananalangin, inilalaan natin ang
ating buhay at mga gawain sa Kanya.
( Mga Awit 5:1-2 ) 1 Pakinggan
mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking
pagbubulaybulay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at
Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako.
b.
Palagi nating ginagawang gabay ang Salita ng Diyos para
sa matuwid na pamumuhay sa ating buhay Kristiyano.
( Mga Awit 1:1-2 ) 1 Mapalad
ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga
makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
2.Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng
Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
c. Tinawag
ng Diyos na mapalad ang Kristiyanong laging nagtitiwala sa Panginoon.
4.
KING DAVID RESTED IN THE LORD ALL HIS LIFE
(Sumandig
at nagpahinga si Haring David sa Panginoon sa buong buhay niya)
( Mga Awit 37:7 ) Ikaw ay
magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang
mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake
na nagpapangyari ng mga masamang katha.
a.
Ang buhay Kristiyano ay isang espirituwal na takbuhin.
Totoo na nakararanas tayo ng espirituwal na pagkapagod, ngunit hinihikayat
tayong magpahinga sa Panginoon.
b.
Inaanyayahan ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga alagad
na nakararanas ng pagkapagod sa kanilang buhay Kristiyano.
( Mateo 11:28 ) Magsiparito
sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking
papagpapahingahin.
*Ang
Panginoon ay may tunay na pagmamalasakit sa bawat Kristiyano sa panahon ng
ating pagharap sa mga pagsubok sa ating buhay.
5.
KING DAVID LEARNED TO CEASE FROM ANGER AS A GOOD EXAMPLE OF A GOOD CHRISTIAN
ALL HIS LIFE
(Natuto
si Haring David na tumigil sa pagkagalit bilang isang mabuting halimbawa ng
tamang pamumuhay sa buong buhay niya)
( Mga Awit 37:8 ) Maglikat ka
ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid
lamang sa paggawa ng kasamaan.
a.
Ang Banal na Espiritu ang pinagmumulan ng ating mabuting
pamumuhay sa mata ng Diyos at ng tao.
( Galacia 5:16-23 ) 16 Sinasabi
ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita
ng laman.
17 Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa
Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay
nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
18 Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng
Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.
19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay
ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga
pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga
pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga
kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking
ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa
inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng
kaharian ng Dios.
22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig,
katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay
ay walang kautusan.
6.
KING DAVID LEARNED TO PUT HIS SATISFACTION ON THE LORD JESUS CHRIST ONLY.
(Natutunan
ni Haring David na iasa at mahanap sa Panginoon lamang ang kanyang tunay na
kasiyahan sa buhay)
( Mga Awit 23:1-6 ) 1 Ang
Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan:
pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang
pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng
kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang
iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5 Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko
sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang
aking saro ay inaapawan.
6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa
akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng
Panginoon magpakailan man.
Pangwakas:
Ang
mga palatandaang ito ay mahalaga para sa isang Kristiyano na may buong
pagtitiwala sa Panginoon, sapagkat ito ang paraan upang tayo ay maging liwanag
sa harap ng sanlibutan.
MATTHEW 5:16 “Let your
light so shine before men, that they may see your good works, and glorify your
Father which is in heaven.”
Pagpalain
kayo ng Dios palagi!
No comments:
Post a Comment