[LL] [PREACHING LESSON 15:] ANG MGA KATUNAYAN NA NAIS NG DIOS NA MALIGTAS ANG IYONG KALULUWA NGAYON KAIBIGAN

 

ANG MGA KATUNAYAN NA NAIS NG DIOS NA MALIGTAS ANG IYONG KALULUWA NGAYON KAIBIGAN

( Roma 10:9-13 ) 9 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:

10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.

11 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.

12 Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag:

13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

1. YAN ANG KATUNAYAN NG DAKILANG PAG-IBIG NG DIOS SA BAWAT MAKASALANAN.

( Juan 3:16 ) Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

2. YAN ANG KATUNAYAN NA HANDA TAYONG PATAWARIN NG DIOS SA ATING KASALANAN SA KANYA. HINAYAAN NG DIOS NA SI CRISTO JESUS ANG MAGBAYAD NG ATING KASALANAN SA KRUS NG KALBARYO NG BANAL DUGO NG PANGINOONG JESUS.

( Roma 5:8-10 ) 8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

9 Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

10 Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay;

3. YAN ANG KATUNAYAN NA TAYONG MAKASALANAN AY MAY PAG-ASANG MALIGTAS KAHIT ANG PINAKA-MASAMANG TAO SA MUNDO AY MAAARING MALIGTAS.

( Lucas 23:42-43 ) 42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.

4. YAN ANG KATUNAYAN NA HINDI NAIS NG DIOS NA ANG SINOMAN AY MAPAHAMAK SA LUGAR NG WALANG HANGGANG KAPARUSAAN SA LUGAR NG IMPIYERNO.

( II Pedro 3:9 ) Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

5. YAN ANG KATUNAYAN NA NAIS NG DIOS NA MALIGTAS ANG IYONG KALULUWA NGAYON KAIBIGAN.

( MGA GAWA 16: 29-31 ) 29 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,

30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?

31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

* Pagpalain kayo ng Dios *

No comments:

Post a Comment