ANG MAGANDANG PALATANDAAN NG PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN SA GAWAIN NG PAG-AAKAY NG KALULUWA NG TAO NG IGLESIA LOKAL
(Markos 2:1-3) “At nang siya'y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang
araw, ay nahayag na Siya'y nasa bahay.”
v.2: “At maraming nagkatipon, ano pa’t hindi na magkasiya, kahit sa
pintuan man: at sa kanila'y sinaysay Niya ang salita.” v.3: “At sila'y nagsidating, na may dalang
isang lalaking lumpo sa Kaniya, na usong ng apat.”
a.
Mabuti at kagalakan sa Panginoon na makita ang Iglesia lokal ay nagkakaisa sa
kanyang gawain, lalo na sa pag-aakay ng mga kaluluwa ng tao.
(Mga Awit 133:1) “Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid
na nagsitahang magkakasama sa pagkakaisa!”
b.
Mahalaga ang pagkakaisa ng mga kapatiran sa gawain ng pag-aakay. Ang apat na
Cristianong ito ay magandang huwaran sa pagkakaisa at pagtutulungan sa
pag-aakay ng kaluluwa.
(Markos 2:3) “At sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa
Kaniya, na usong ng apat.”
4 Magandang Ugali
Ng Pagtutulungan Ng Cristiano Sa Pag-aakay
1. SILA'S
NAGKAISA AT NAGTULUNGAN SA PAG-AAKAY.
(Markos 2:3) "At sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo
sa Kaniya, na usong ng apat.“
Mahalaga
ang pagkakaisa sa loob ng Iglesia lokal, matagumpay na magampanan ang gawain ng
Dios. May pangako ang Dios ng lubos na pagpapala.
(Mga Awit 133:3) ”Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion:
sapagkat doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang
buhay na magpakailan pa man.“
2. SILA'Y NAGBIGAY NG PANAHON SA PAG-AAKAY
(Efeso 5:16) ”Na inyong samantalahin ang panahon, sapagkat ang mga araw ay
masasama.“ Mahalaga sa pagtutulungan sa gawain ng
pag-aakay ang pagbibigay ng maraming panahon. Bukas ay maaaring wala na tayong
pagkakataon pa na mag-akay ng kaluluwa.
3. SILA'Y NAGBIGAY NG KANILANG KAKAYAHAN PARA GANAPIN ANG PAG-AAKAY.
(Markos 2:3-4) ”At sila'y
nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa Kaniya, na usong ng
apat.“ v. 4: ”At nang hindi sila
mangakalapit sa Kaniya dahil sa karamihan, ay kanilang binakbak ang bubungan ng
Kaniyang kinaroroonan: at nang yao'y kanilang masira, ay inihugos nila ang
higaang kinahihigan ng lumpo.“
Ang
apat na may bitbit sa lumpo ay nagbigay ng kanilang lakas at kakayahan para
iakyat sa bubong ang lumpo at doon idaan patungo kay Cristo at sila'y
nagtagumpay. Amen at amen!!!
4. SILA'Y NAKITAAN NG LUBOS NA
PANANAMPALATAYA NI CRISTO PARA SA KALIGTAS NG TAO.
(Markos 2:5) ”At pagkakita ni
Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, ipinatatawad ang
iyong mga kasalanan.“
Mahalaga
ang pananampalataya sa Dios upang magtagumpay tayo sa pag-aakay ng mga
kaluluwa. Sinabi ni Cristo sa lumpo "Anak pinapatawad ang iyong
kasalanan”, ito ang pinakamagandang bunga ng pagtutulungan at pagkakaisa sa
pag-aakay ng mga kaluluwa ng tao. Amen at amen!!!
*
Pagpalain kayong lubos ng Panginoon. *

No comments:
Post a Comment