[GG] [PREACHING LESSON 12:] ANG PAGTUNGO NG KALULUWA NG TAO SA IMPIYERNO AY PASYA NG ISANG TAO AT HINDI AKSIDENTENG PANGYAYARI


 

ANG PAGTUNGO NG KALULUWA NG TAO SA IMPIYERNO AY PASYA NG ISANG TAO AT HINDI AKSIDENTENG PANGYAYARI

 

(Juan 3:18,36) “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.”  v.36: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya."

 

a. Mahalaga na ngayon pa lang na may pagkakataon pa ang tao na mag-isip at unawain ang pagpapalang pangako ng Dios na Langit sa bawat magsisisi ng kasalanan at mananampalataya kay Cristo Jesus at may babala ng totoong lugar ng impiyerno sa bawat tatanggi sa tanging Tagapagligtas.

 

(Roma 1:15-16) ”Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.“  v.16: ”Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.“

 

(Juan 3:18) ”Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.“

 

5 Mahalagang Katotohanan Na Mula Sa Pasya Ng Tao Kung Bakit Sa Impiyerno Napunta Ang Kanilang Kaluluwa at Ito Ay Hindi Isang Aksidente

 

1. Mas pinili nila ang paniwalaan na ang relihiyon ang makapagliligtas sa kanila kaysa kay Cristong Tagapagligtas.

(Roma 10:1-3) ”Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.“  v.2: ”Sapagka’t sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa’t hindi ayon sa pagkakilala.“  v.3: ”Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dio ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.“

 

Sa hindi napag-unawa ng katuwiran ng Dios ay pinili nila ang sarili nilang mga pinaniniwalaan. Maliwanag ang turo ng Salita ng Dios na si Cristo lamang tanging daan patungo sa langit at wala ng iba.

 

(Juan 14:6) ”Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.“

 

2. Mas pinili nila na paniwalaan ang kanilang ginagawang paglilingkod sa Dios kaysa sa mensahe ng ebangelio ni Cristo.

 

Maraming ganitong panatiko na iniisip nila na sa pagtawag sa Dios at paglilingkod nila ay maliligtas sila ngunit hindi ganito ang paraan ng Dios upang ang tao ay maliligtas. Kailangan nilang madinig ang ebangelio ni Cristo at pananampalataya kay Cristo upang silay maligtas.

 

(Roma 1:16) ”Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.“

 

3. Mas pinili nila na paniwalaan ang mga maling turo na inililigaw ang mga makasalanan sa katotohanan at dinadala sa pagkapahamak

(Mateo 7:21-23) ”Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.“ v.22: ”Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?“ v.23: ”At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila,

 

(II Timoteo 4:3-4) ”Sapagka’t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;“  v.4:  ”At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha.“

 

Ang kaaway na Diablo ay totoong nagtatrabaho ng doble para ipahamak sa impiyerno ang maraming kaluluwa. (II Corinto 11:13-15) ”Sapagka’t ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.“  v.14: ”At hindi katakataka: sapagka’t si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.“  v.15: ”Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.“ Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.“

 

4. Mas pinili nila ang malapad at maluwang na daan patungo sa kapahamakan sa impiyerno kaysa sa makipot na daan patungo sa buhay ng walang hanggan.

 

(Matthew 7:13-14) Mt 7:13 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.

Mt 7:14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

 

5. Sapagkat haharap tayong lahat sa hukumang trono ni Cristo upang tayong mga Cristiano ay magbigay sulit sa Kanya.

 

(II Corinto 5:10) ”Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.“

 

Lahat ng Cristiano ay magbibigay sulit sa Dios sa lahat ng ginawa nila lalong ang pananagutan ng bawat Cristiano na mag-akay ng mga kaluluwa ng tao. Kapatid sa pananampalataya handa kana bang magbigay sulit sa Dios. Ngayon pagkakataon na magpumilit tayo sa pagaakay ng kaluluwa habang may panahon pa, bukas ay maaaring wala na tayong pagkakataon pa.

 

Pangwakas:

Bilang pagtatapos, malinaw na ang Impiyerno ay hindi isang aksidente o pagkakamali ng Dios para sa tao. Ito ay isang destinasyon na bunga ng pagtanggi sa alok na kaligtasan ni Jesu-Cristo. Ang Dios ay hindi nagkulang sa pagbibigay ng babala at pagpapakita ng tunay na Daan.

 

Kung hindi ka pa tiyak sa iyong patutunguhan, huwag mong piliin ang malapad na daan na patungo sa kapahamakan. Piliin mo si Cristo—ang tanging Daan, Katotohanan, at Buhay.

 

At para sa mga mananampalataya, nawa’y maging handa tayo sa araw na tayo ay magbibigay-sulit sa harap ng Trono ng Panginoon.

* Pagpalain kayong lubos ng Dios. *

 

No comments:

Post a Comment