[GG] [PREACHING LESSON 11:] MGA MALIWANAG NA PALATANDAAN ANG MGA TAONG RELIHIYOSA AT RELIHIYOSO AY HINDI MGA LIGTAS



MGA MALIWANAG NA PALATANDAAN ANG MGA TAONG RELIHIYOSA AT RELIHIYOSO AY HINDI MGA LIGTAS

 

(Roma 10:1-4) “Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.” v.2:  "Sapagka’t sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa’t hindi ayon sa pagkakilala.“ v.3:  ”Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.“  v.4: ”Sapagka’t si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa’t sumasampalataya

 

a. Maliwanag na pinatutunayan ni Pablo na ang relihiyosa at relihiyosong tao ay may pagmamalasakit sa Dios ngunit hindi ayon sa katuwiran o hindi ayon sa Salita ng Dios.

 

b. Mahalaga na maunawaan ng tao na ang kaligtasan ng kaluluwa o ang pagiging Cristiano ay hindi pagiging masipag sa gawaing pangrelihiyon. Ang kaligtasan ay biyaya ng Dios sa pamamagitan lamang ng personal na pagtanggap kay Cristo Jesus bilang kanilang Panginoon at tagapagligtas.

 

(Efeso 2:8-9) ”Sapagka’t sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;“  v.9: ”Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.“

 

(Mga Gawa 16:30-31) ”At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?“ v.31:  ”At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.“

5 Palantandaan Na Masasabi Natin Ang Mga Relihiyosa at Relihiyosong Tao Ay Hindi Mga Tunay Na Ligtas

 

1. Malalaman mo sa kanilang sinasamba o sa kanilang pagsamba.

 

(Mga Gawa 17:23-25) ”Sapagka’t sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.“  v.24:  ”Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;“ v.25:  ”Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y

nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;“

Pinaliwanag ni Pablo na ang sinasamba nila ay hindi nila nakikilala at ang Dios ay hindi tumatahan sa mga templo o rebultong gawa ng mga kamay ng tao. 

 

(Juan 4:22-24) ”Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka’t ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.“  v.23: ”Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.“  v.24:  ”Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.“

 

Si Cristo Jesus ang nagpapatunay na ang mga tunay na Cristiano o mga ligtas ay nakikilala nila ang kanilang sinasamba at ang mga tunay na mananamba ay sinasamba ang Dios sa espiritu at sa katotohanan.

2. Malalaman mo sa kanilang makamundong pamumuhay.

 

(Efeso 2:2-3) ”Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;“  v.3: ”Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:“

 

Sila ay hindi tunay na ligtas bagaman sila ay mga relihiyoso at relihiyosa, at anak pa sila ng Diablo at ang kanilang pamumuhay ay totoong nasa kamunduhan pa. Ang tunay na ligtas ay totoong may pagbabago na at binago na sila ni Cristo sa kanilang pamumuhay.

 

(II Corinto 5:17) ”Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.“

 

3. Malalaman sa kanilang mga mabubuting pananalita ay taliwas sa kanilang masamang gawain.

 

(Tito 1:16) ”Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni’t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa’t gawang mabuti.

 

Ang patotoo ni Tito ayon sa nakita nya sa buhay ng mga taong relihiyosa at sa mga relihiyoso, sila’y may maaamong pananalita ngunit ang kanilang mga gawain sa kanilang pamumuhay ay masama sa paningin ng Dios.

 

4. Malalaman sa kanilang mga maling paniniwala na hindi ayon sa katuruan ng Salita ng Dios.

(Colosas 2:8) ”Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali’t saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:“

 

May totoong dahilan ng ating pagpipilit na akayin ang mga makasalanan kay Cristo para maligtas sila sapagkat talagang may kalunos-lunos na kapahamakan na siguradong patutunguhan nila, ang walang hanggang kahatulan sa impiyerno.

 

(II Tessalonica 1:8-9) ”Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:“ v.9 ”Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.“

 

5. Sapagkat haharap tayong lahat sa hukumang trono ni Cristo upang tayong mga Cristiano ay magbigay sulit sa Kanya.

 

(Roma 10:3) v.3: ”Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.“

 

Pinapatunayan ni Pablo na ang mga taong ito ay may pagmamalasakit sa Dios ngunit mali ang kanilang pagkaunawa sa pagiging Cristiano. Sa hindi nila napag-unawa at walang kaalaman sa Salita ng Dios ay nagtayo sila ng sarili nilang paraan ng pakilala sa Dios ngunit sa maling paraan. Malungkot kahit sila'y mga relihiyoso at relihiyosa ay mapapahamak pa rin sila sa lugar ng impiyerno.

 

Ang panalangin ni Pablo ay maligtas ang mga relihiyoso at mga relihiyosong mga tao.

(Roma 10:1) ”Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.“

 

* Pagpalain kayong lubos ng Panginoon. *

 

No comments:

Post a Comment