[G] [PREACHING LESSON 17:] THINGS TO CONSIDER ABOUT THE COMING OF THE LORD JESUS CHRIST


(Mga bagay na dapat isaalang-alang tungkol sa pagdating ng Panginoong Jesucristo)                                                                                                                            
REVELATION 22:20 “He which testifieth these things saith, Surely I come quickly. Amen. Even so, come, Lord Jesus.”
1THESSALONIANS 1:10 “And to wait for his Son from heaven, whom he raised from the dead, [even] Jesus, which delivered us from the wrath to come.”

Panimula:
a.     Ang aralin patungkol sa pagbabalik ng ating Panginoon ay laging may layuning hamunin tayo sa buhay sa Kristiyano. Kaya’t ito ay napakahalagang mensahe na dapat na laging naririnig na ipinapahayag sa bawat pananambahan.
b.    Ang mensahe ng pagbabalik ng Panginoon ay mapalad na pag-asa ng bawat tunay na naligtas.
TITUS 2:13 “Looking for that blessed hope, and the glorious appearing of the great God and our Saviour Jesus Christ;”

Apat (4) na mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbabalik ng Panginoong Jesus:

1. CONSIDER THE PROMISE OF THE LORD’S COMING
(Isaalang-alang ang pangako ng pagbabalik ng Panginoon)
1THESSALONIANS 4:16 “For the Lord himself shall descend from heaven with a shout, with the voice of the archangel, and with the trump of God: and the dead in Christ shall rise first:”

a.     Ang pangako ng pagbabalik ay tiyak na mangyayari at dapat nating asahan sapagkat ang Diyos ay hindi sinungaling sa Kanyang pangako.
TITUS 1:2 “In hope of eternal life, which God, that cannot lie, promised before the world began;”

b.    Darating ang panahon na may mga taong magbibigay sa atin ng pag-aalinlangan sa pagbabalik ng Panginoon.
2PETER 3:4 “And saying, Where is the promise of his coming? for since the fathers fell asleep, all things continue as [they were] from the beginning of the creation.”

c.      Ang Diyos ay tapat sa Kanyang pangako ng Kanyang pagbabalik.
JOHN 14:1-3 “Let not your heart be troubled: ye believe in God, believe also in me.
Jn 14:2 In my Father’s house are many mansions: if [it were] not [so], I would have told you. I go to prepare a place for you.
Jn 14:3 And if I go and prepare a place for you, I will come again, and receive you unto myself; that where I am, [there] ye may be also.”

2. CONSIDER THE PLEASURE OF THE LORD’S COMING OF THE LORD
(Isaalang-alang ang kasiyahan ng pagdating ng Panginoon)
TITUS 2:13 “Looking for that blessed hope, and the glorious appearing of the great God and our Saviour Jesus Christ;”

a.     Malaking kagalakan ang pagbabalik ng Panginoon sa atin dahil sa maluwalhating pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesus.
b.    Ang pagbabalik ng Panginoon ay mapalad na pag-asa ng lahat ng mananampalataya.

3. CONSIDER THE PURPOSE OF THE LORD’S COMING
(Isaalang-alang ang layunin ng pagdating ng Panginoon)
1THESSALONIANS 4:18 “Wherefore comfort one another with these words.”

a.     Ang layunin ng pagbabalik ng Panginoon ay upang tayo ay bigyan ng kaaliwan sa ating buhay na kukunin na tayo ng Panginoon at makakasama natin ang Panginoon magpakailanpaman.
b.    Ang layunin ng Kanyang pagbabalik ay upang gawin tayong katulad ng Panginoong Hesus sa Kanyang kalagayan na may katawang hindi magkakasakit at hindi namamatay.

4. CONSIDER THE PREPARATION FOR THE LORD’S COMING
(Isaalang-alang ang paghahanda sa pagdating ng Panginoon)
1JOHN 2:28 “And now, little children, abide in him; that, when he shall appear, we may have confidence, and not be ashamed before him at his coming.”

a.     Nais ng Panginoon na maging handa tayo sa Kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng pamumuhay bilang anak ng liwanag at hindi anak ng kadiliman.
1THESSALONIANS 5:5 “Ye are all the children of light, and the children of the day: we are not of the night, nor of darkness.”

b.    Nais ng Panginoon na tayo ay mamuhay na may kabanalan sapagkat kukunin Niya tayo na banal, walang dungis, at walang kulubot. Ihaharap Niya tayo sa Diyos Ama sa isang banal na kasalan.
EPHESIANS 5:26-27 “That he might sanctify and cleanse it with the washing of water by the word,
Eph 5:27 That he might present it to himself a glorious church, not having spot, or wrinkle, or any such thing; but that it should be holy and without blemish.”

c.      Nais ng Panginoon na tayo ay masumpungan na matapat na naglilingkod sa Kanyang pagbabalik.
MATTHEW 24:45-46 “Who then is a faithful and wise servant, whom his lord hath made ruler over his household, to give them meat in due season?
Mt 24:46 Blessed [is] that servant, whom his lord when he cometh shall find so doing.”

Pangwakas:
Tunay na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay dapat nating ikagalak ng lubos sapagkat ito ay pangako Niya sa atin. Ito ay matutupad. Ito ay mapalad na pag-asa sa bawat matapat na naghihintay.
TITUS 2:13 “Looking for that blessed hope, and the glorious appearing of the great God and our Saviour Jesus Christ;”

Pagpalain kayong lahat ng Diyos.

No comments:

Post a Comment