MGA DAKILANG KATOTOHANAN NA NALAMAN NG MGA CRISTIANO NA HANGGANG NGAYON AY LIHIM PA SA MGA HINDI PA LIGTAS.
(Colossas 1:26-27) “Maging ang
hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa’t ngayo'y ipinahayag
sa kaniyang mga banal,” V.27: “Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala
kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga
Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa
kaluwalhatian:"
a.
Totoong mapalad ang mga Ligtas na o naging Cristiano na, na nalaman ang mga
dakilang katotohanan na may kinalaman sa kaligtasan ng kaluluwa na dapat na
malaman din ng napakarami pang hindi pa ligtas.
b. Ang
mga katotohanang ito ay nalaman natin dahil may mga Cristiano na naging
masunurin sa Panginoon na ipahayag ang dakilang mensahe ng ebangelio ni Cristo
na nagbunga ng pagkaunawa sa kaligtasan ng ating kaluluwa. Amen at amen!!!
(Roma 1:16) ”Sapagka’t
hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa
ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.“
4 Na
Dakilang Katotohanan Na Nalaman Natin Na Hanggang Ngayon Ay Lihim Pa Sa Mga
Hindi Ligtas
1.
Salamat sa Dios sapagkat hindi na lihim sa atin na tayo ay makasalanan at
nalaman natin na tinubos na tayo ni Cristo sa ating pagiging makasalanan.
(Roma 5:8-9) ”Datapuwa’t
ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga
makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.“ v.9: ”Lubha pa nga ngayong
inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit
ng Dios sa pamamagitan niya.“
Sa
ngayon maraming pang tao ang hindi pa ligtas, hanggang ngayon ay wala silang alam
na sila pala ay hiwalay kay Cristo dahil sa pagiging makasalanan.
(Efeso 2:12) ”Na kayo
nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng
Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang
pagasa at walang Dios sa sanglibutan.“
2.
Salamat sa Dios sapagkat hindi na lihim sa atin ang dakilang pag-ibig ng Dios
na may pangako ng buhay na walang hanggan sa bawat nanampalataya kay Cristo
Jesus.
(Juan 3:16) ”Sapagka’t
gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang
kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.“
Marami
pang mga tao na hanggang ngayon ay lihim pa sa kanila ang pag-ibig Dios
sapagkat binulag sila ng Diablo upang huwag sumilang sa kanila ang
katototohanang ito. Ito'y malungkot na katotohanan.
(II Corinto 4:4) ”Na binulag
ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya,
upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian
ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.“
3.
Salamat sa Dios sapagkat hindi na lihim sa atin na ang kaligtasan ay biyaya ng
Dios sa bawat makasalanan.
(Efeso 2:8-9) ”Sapagka’t
sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi
sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;“
v.9: ”Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag
magmapuri.“
Ang
kaligtasan ay tatanggapin ng bawat makasalanang nagsisi bilang biyaya ng Dios,
ngunit sa marami pang mga makasalanan ay lihim pa sa kanila ang biyaya ng Dios.
Malungkot na katotohanan.
4.
Salamat sa Dios sapagkat hindi na lihim sa ating ang ebangelio ni Cristo na
siyang kapangyarihan ng Dios na pagkalooban ng kaligtasan ang bawat
nanampalataya.
(Roma 1:16) ”Sapagka’t
hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa
ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.“
Ang
dakilang mensahe ng ebangelio ay lihim pa sa napakaraming mga hindi pa
nakakaranas na maligtas ang kanilang mga kaluluwa. Malungkot na katotohanan,
ang mga totoong mga ligtas ay tamad ipahayag ang ibangelio ni Cristo kaya
hanggang ngayon ay lihim sa kanila ang napakadakilang mensahe na magliligtas ng
kanilang kaluluwa.
Cristiano,
hinahamon ko kayo. Sipagan pa natin ang magpahayag ng ebangelio ni Cristo sa
lahat ng panahon. Amen at amen!!!
(II Timoteo 4:2) ”Ipangaral
mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka,
sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.“
*
Pagpalain kayo ng Dios. *

No comments:
Post a Comment