[FF] [PREACHING LESSON 17:] MAY KATIYAKAN BA NG PANGAKO MULA SA SALITA NG DIOS NA MALIGTAS ANG BUONG MIYEMBRO NG PAMILYA?



MAY KATIYAKAN BA NG PANGAKO MULA SA SALITA NG DIOS NA MALIGTAS ANG BUONG MIYEMBRO NG PAMILYA?

 

(Mga Gawa 16:30-31) “At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?”  V.31: “At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan."

 

a. Ang talata natin ang nagsasabi na pangako ng Dios sa isang Cristiano na pati ang kanyang mga mahal sa buhay ay posibleng maligtas.

b. Kaya mahalaga na tayong mga ligtas na ay magkaroon ng pagmamalasakit para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay.

 

4 Mahalagang Dapat Gawin Ng Cristiano Upang Ang Lahat Ng Ating Mga Mahal Sa Buhay Ay Maligtas.

 

1. Opo, may pangako ng kaligtasan sa ating mga mahal sa buhay ngunit kailangang manalangin kang lubos sa Dios.

 

(Roma 10:1) ”Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.“

 

Malaki ang magagawa ng pananalngin nang lubos para sa kaligtasan ng kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay. Sa pananalangin, lahat ng bagay ay laging posible lalo na sa kaligtasan ng kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay.

 

(Lukas 1:37) ”Sapagka’t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.“

 

2. Opo, may pangako ng kaligtasan sa ating mga mahal sa buhay ngunit kailangang magpakita tayo ng magandang patotoo sa kanila.

 

(Mateo 5:16) ”Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.“

 

Mahalaga ang magandang patotoo natin sa ating mga mahal sa buhay. Ito ay mabisang paraan upang sila'y manampalataya sa ating Panginoon.

 

(II Tessalonica 1:10) ”Pagka paririto siya upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka’t ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).“

 

3. Opo, may pangako ng kaligtasan sa ating mga mahal sa buhay ngunit kailangang ilapit sila sa Dios ng may luha.

 

(Mga Awit 126:5-6) ”Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.“  v.6: ”Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.“

 

Hinahanap ng Dios ang mga luha ng mga Cristiano upang buksan ng Dios ang matigas na puso at isip ng ating mga mahal sa buhay upang sila'y mangaligtas.

 

(Mga Gawa 20:19-21) ”At nang sila'y mangabati na niya, ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio.“  v.20: ”At sila, nang kanilang marinig yaon, ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya'y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan.“ v.21: ”At nabalitaan nila tungkol sa iyo, na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises, na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian.“

 

Mahalaga ang mga luha ng Cristiano upang sagutin ng Dios ang panalangin natin sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay. Amen at amen!!!

 

4. Opo, may pangako ng kaligtasan sa ating mga mahal sa buhay ngunit kailangang ipahayag ang ebangelio ni Cristo para sila ay manampalataya at maligtas.

 

(Roma 1:16) ”Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.“

 

Ang ebangelio ni Cristo ang siyang kapangyarihan ng Dios sa bawat mananampalataya, na si Cristo ay namatay, nalibing at nabuhay na maguli para sa mga makasalanan. Amen at amen.!!!

 

Opo, may pangako ang Dios na maligtas ang ating mga mahal sa buhay ayon sa mga katotohanan na ito. Salamat sa Dios sa pangakong ito. Amen at amen!!!

* Pagpalain kayo ng Dios. *

 

 

No comments:

Post a Comment