LAHAT NG BAGAY AY KAYANG LUNASAN NG GAWAING PAG-AAKAY SA BUHAY NG IGLESIA LOKAL
(Mga Gawa 2:46-47) “At
araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa
pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang
pagkain na may galak at may katapatan ng puso.”
V.47: “Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong
bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong
nangaliligtas."
a. Ang
gawaing pag-aakay ng kaluluwa ay totoong may malaking nagagawa sa buhay ng
bawat Cristiano at lalo na sa kabuuan ng Iglesia lokal.
b.
Kaya mainam na laging hikayatin ang bawat miyembro na mag-akay ng mga kaluluwa
upang maranasan natin ang mga dakilang mga gawa ng Dios sa buhay Iglesia Lokal.
6 Na
Mga Dakilang Lunas O Pakinabang Ng Pag-aakay Ng Kaluluwa Sa Loob Ng Iglesia
Lokal At Lalo Na Sa Buhay Ng Bawat Cristiano
1.
Nagagawang maging malakas at matapat ang buhay espiritual ng buhay ng
Cristiano.
( II Timoteo 2:1-2) ”Ikaw nga,
anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.“ v.2: ”At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa
gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na
makapagtuturo naman sa mga iba.“
Ito
ang agandang hamon ni Pablo kay Timoteo na siya’y magpakalakas at ipagkatiwala
ang gawaing pag-aakay sa matatapat na Cristiano. Kaya ang gawaing pag-aakay ay
dinadala ang Cristiano sa pagtatapat sa Panginoon. Amen at amen.!!!
2.
Nagagawang maging masaya ang ating buhay Cristiano.
(I Tessalonica 2:19-20) ”Sapagka’t
ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo
rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito?“ v.20:
”Sapagka’t kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.“
May
pangako ang Dios ng korona ng kagalakan sa bawat matapat na tagapag-akay at
nabibigyang dahilan na magkaroon ng kagalakan sa langit dahil isa kaluluwang
naligtas.
(Lukas 15:7) Sinasabi ko
sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang
nagsisisi, kay sa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di
nangagkakailangang magsipagsisi.“
3.
Nagagawang maging mabunga ang buong Iglesia dahil sa mga kaluluwang naliligtas
araw-araw sa loob ng Iglesia.
(Mga Gawa 2:41) ”Yaon ngang
nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila
nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.“
Ang
tunay na plano ng Dios na maging mabunga ang buhay ng bawat naging Cristiano.
(Juan 15:8) ”Sa ganito'y lumuluwalhati
ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging
aking mga alagad.“
4.
Nagagawang maging mabunga sa pagpapala mula sa kasagutan ng mga panalagin ng
Cristiano.
(Juan 15:8) ”Sa
ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at
gayon kayo'y magiging aking mga alagad.“
Ang
sagot sa panalangin ay totooong dakilang pagpapala sa buhay ng Cristiano.
5.
Magagawang maging laging puspos ng Banal ng Banal na Espiritu ang Cristiano.
(Mga Gawa 1:8) ”Datapuwa’t
tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at
kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at
hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.“
Kailangan
ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa bawat matapat na Cristiano upang
maging epektibo at mabunga ang pag-aakay ng mga kaluluwa ng tao.
(Mga Gawa 2:3-4) ”At sa
kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at
dumapo sa bawa’t isa sa kanila.“ v.4: ”At silang lahat ay nangapuspos ng
Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa
ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.“
6.
Magagawang maging malinis ang buhay ng Iglesia lokal upang lalong papagbungahin
ng Panginoon.
(Juan 15:1-3) ”Ako ang
tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.“ v.2: ”Ang bawa’t sanga
na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa’t sanga na
nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.“ v.3: ”Kayo'y malilinis na
sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.“
Malaking
bagay at pagpapala sa Iglesia lokal at sa bawat buhay ng Cristiano na
masumpungang nasa pagtatapat at nagpapatuloy sa pag-aakay ng mga kaluluwa
sapagkat ito ay may malaking lunas at maggagawa sa Iglesia lokal.
*
Pagpalain kayo lubos ng Dios. *

No comments:
Post a Comment