MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT ANG CRISTIANO AY NAGPIPILIT NA MAG-AKAY NG KALULUWA SA LAHAT NG PARAAN AT PAGKAKATAON
(II Corinto
5:14) “Sapagka’t ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka’t
ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung
gayo'y lahat ay nangamatay;"
a. Magandang hamon si Pablo sa mga Cristiano para
magkaroon ng pagpipilit at kasipagan sa pag-aakay ng mga kaluluwa ng tao. May
nagbibigay ng magandang dahilan sa kanya para lagi siya may pagnanais na
mag-akay ng mga kaluluwa ng tao.
Posible din ito sa
lahat ng Cristiano na magkaroon ng lubos ng pagpipilit na mag-akay ng mga
kaluluwa dahil parehong si Jesus ang tinanggap natin bilang Panginoon at
Tagapagligtas ng ating kaluluwa. Parehong may Banal na Espiritu na tumahan at
nagbigay sa atin ng kapangyarihan sa pag-aakay ng mga kaluluwa.
5 Kadahilanan Kung Bakit Nagpipilit Tayo Na Mag-akay Ng
Mga Kaluluwa
1. Sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang pumipilit sa atin
upang tayo'y mag-akay.
(II Corinto
5:14) ”Sapagka’t ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka’t
ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung
gayo'y lahat ay nangamatay;“
Mabisang panghamon sa Cristiano ang naranasang pag-ibig
ng Dios para magbigay ng dahilan sa atin lagi na mag-akay tayo ng mga kaluluwa.
(Mga Gawa
3:6) ”Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa’t
ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesucristo ng
taga Nazaret, lumakad ka.“
Si Pedro at si Juan ay masiglang ipinapahayag si Jesus sa
mga taong handang tumanggap ng pagpapala ng kaligtasan ng kaluluwa nila.
(Mga Gawa
2:41) ”Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at
nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.“
2. Sapagkat ang maraming tao na nagkalat sa buong mundo
ay nagbibigay ng dahilan na tayo'y magpilit na mag-akay.
(Mateo
9:36) ”Datapuwa’t nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa
kanila, sapagka’t pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na
walang pastor.“
Ang Panginoong Jesus ay nagkaroon ng habag ng makita Niya
ang napakaraming tayo na nagkalat sa buong mundo na nangangailangan ng
kaligtasan ng mga kaluluwa. Hinamon din ni Jesus ang kanyang mga alagad na
itanaw ang kanilang mga mata sa bukid sapagkat ito'y mapuputi na para anihin.
(Juan 4:35)
”Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating
ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga
mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.“
3. Sapagkat ang Banal na Espiritu ay tutulungan tayo na
magbibigay sa atin ng kapangyarihan.
(Mga Gawa
1:8) ”Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo
ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong
Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.“
Siya ang gagabay sa atin sa tamang tao at lugar na
tuturuan ng ebangelio ni Cristo.
(Mga Gawa
8:29-31) ”At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong
ito.“ v.30 ”At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at
. Salamat sa Dios sapagkat hindi na lihim sa ating ang ebangelio ni Cristo na
siyang kapangyarihan ng Dios na pagkalooban ng kaligtasan ang bawat
nanampalataya.
(Roma 1:16)
”Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang
kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una'y sa Judio,
at gayon din sa Griego.“
Ang dakilang mensahe ng ebangelio ay lihim pa sa
napakaraming mga hindi pa nakakaranas na maligtas ang kanilang mga kaluluwa.
Malungkot na katotohanan, ang mga totoong mga ligtas ay tamad ipahayag ang
ibangelio ni Cristo kaya hanggang ngayon ay lihim sa kanila ang napakadakilang
mensahe na magliligtas ng kanilang kaluluwa.napakinggan niyang binabasa si
Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo?
(Mga Gawa
8:31) ”At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay
sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama
niya.“
4. Sapagkat may dakilang kapahamakan ang taong hindi
ligtas at totoong sila'y hahatulan sa impiyerno ng Dios.
(II Corinto
5:11) ”Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming
hinihikayat ang mga tao, nguni’t kami ay nangahahayag sa Dios; at inaasahan ko
na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.“
May totoong dahilan ng ating pagpipilit na akayin ang mga
makasalanan kay Cristo para maligtas sila sapagkat talagang may kalunos-lunos
na kapahamakan na siguradong patutunguhan nila, ang walang hanggang kahatulan
sa impiyerno.
(II
Tessalonica 1:8-9) ”Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na
hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:“ v.9 ”Na siyang
tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng
Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.“
5. Sapagkat haharap tayong lahat sa hukumang trono ni
Cristo upang tayong mga Cristiano ay magbigay sulit sa Kanya.
(II Corinto
5:10) ”Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng
hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa sa
pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.“
Lahat ng Cristiano ay magbibigay sulit sa Dios sa lahat
ng ginawa nila lalong ang pananagutan ng bawat Cristiano na mag-akay ng mga
kaluluwa ng tao. Kapatid sa pananampalataya handa kana bang magbigay sulit sa
Dios. Ngayon pagkakataon na magpumilit tayo sa pagaakay ng kaluluwa habang may
panahon pa, bukas ay maaaring wala na tayong pagkakataon pa.
* Pagpalain kayong lubos ng Dios. *

No comments:
Post a Comment