MESSAGES
THAT INCONSISTENT CHRISTIANS DO NOT WANT TO HEAR DURING WORSHIP SERVICE
2TIMOTHY 3:4-5 2Tim 3:4 Mga lilo, mga matitigas
ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
2Tim 3:5
Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo
ka rin naman sa mga ito.
2TIMOTHY 3:16-17 2Tim 3:16 Ang lahat ng mga
kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa
pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
2Tim 3:17
Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang
mabuti.
Introduction:
a. Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay
ng babala sa bawat Kristiyano sa uri ng mga Kristiyano na ating masusumpungan
bago bumalik si Kristo.
2TIMOTHY 3:5 “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan
ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.”
b. Ito ay ang mga masuwaying
Kristiyano na nasa loob ng iglesya lokal na ayaw makinig ng mensahe na itatama
ang kanilang pagsuway at kamalian.
c. Ngunit ang Salita ng Diyos ay
matalas at makapangyarihan na tulad sa isang tabak na may dalawang talim sa
tabi.
HEBREWS 4:12 Heb 4:12 Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at
mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon
hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak,
at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
* Messages That Inconsistent
Christian Do Not To Hear During Worship Service.
1. THE MESSAGES ABOUT SIN PROBLEM
PROVERBS 6:16-20 Prov 6:16 May anim na bagay na
ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
Prov 6:17 Mga palalong mata,
sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
Prov 6:18 Puso na kumakatha ng mga
masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
Prov 6:19 Sinungaling na saksi na
nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng
magkakapatid.
Prov 6:20
Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan
ng iyong ina:
a. Ayaw na ayaw ng Kristiyanong
namumuhay sa kasalanan na mapakinggan ang mensahe patungkol sa kasalanang
ginagawa niya.
b. Mahalaga na maging bukas ang
puso’t isip ng Kristiyano sa mga mensahe na itinutuwid ang kasalanang kanilang
ginagawa.
2TIMOTHY 3:16-17 2Tim 3:16 Ang lahat ng mga
kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa
pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
2Tim 3:17
Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang
mabuti.
2. THE MESSAGES ABOUT THE SANCTIFIED
LIVING OF THE CHRISTIANS.
2TIMOTHY 2:21 2Tim 2:21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin
man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin
ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
a. Ayaw na ayaw mapakinggan ng isang
Kristiyanong namumuhay sa sanlibutan ang sila’y maturuan ng pagpapakabanal.
1PETER 1:15-16 1Pet 1:15 Nguni't yamang banal ang
sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng
pamumuhay;
1Pet 1:16
Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
b. Nais ipabatid ng Diyos sa mga
Kristiyano na gagamitin lamang Niya ang iyong buhay kung magiging sisidlang
ikapupuri ka Niya.
2TIMOTHY 2:21 2Tim 2:21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin
man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin
ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
3. THE MESSAGES ABOUT BEING FAITHFUL
IN SERVING GOD
PHILIPPIANS 1:14-18 Php 1:14 At ang karamihan sa mga
kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala,
ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.
Php 1:15 Tunay na ipinangangaral
ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa
mabuting kalooban:
Php 1:16 Ang isa'y gumagawa nito
sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa pagsasanggalang ng
evangelio;
Php 1:17 Datapuwa't itinatanyag ng
iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay
dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.
Php 1:18
Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa
katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at
ako'y magagalak.
a. Ang madalas na problema ng
masuwaying Kristiyano ay ang pagiging hindi nila matapat sa paglilingkod.
b. Bago pa man bumalik ang Panginoong
Hesus, umaasa Siya na masumpungan ang mga Kristiyano sa matapat na
paglilingkod.
MATTHEW 24:45-51 Mt 24:45 Sino nga baga ang
aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang
sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?
Mt 24:46 Mapalad yaong aliping
kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang
ginagawa.
Mt 24:47 Katotohanang sinasabi ko
sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.
Mt 24:48 Datapuwa't kung ang
masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking
panginoon;
Mt 24:49 At magsimulang bugbugin
ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga
lasing;
Mt 24:50 Darating ang panginoon
ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya
nalalaman,
Mt 24:51
At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon
na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
4. THE MESSAGES ABOUT BEING HONEST
AND FAITHFUL IN THEIR GIVING TO GOD
MALACHI 3:8-10 Mal 3:8 Nanakawan baga ng tao ang
Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin
ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.
Mal 3:9 Kayo'y nangagsumpa ng
sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa.
Mal 3:10
Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng
pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng
Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa
langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na
kalalagyan.
a. Ang Kristiyano ay
nagmamaang-maangan pa sa kanilang pagiging hindi matapat sa Panginoon. Sinasabi
pa nila sa Panginoon na “Ninanakawan baga ng tao ang Diyos?”.
b. Kahit alam na natin na
nanggagaling sa Panginoon ang lahat ng pagpapala, totoong mahirap pa rin ibigay
ng Kristiyano ang para sa Kanya.
c. Ang magandang hamon ng Diyos sa
atin ay subukin Siya at tayo ay magtapat sa pagbibigay ng ikapu at ibubuhos ng
Diyos ang pagpapala na walang sukat na pagkalagyan sa ating silid.
5. THE MESSAGES ABOUT WINNING THE
LOST PEOPLE
JOHN 4:35 Jn 4:35 Hindi baga sinasabi
ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y
aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga
bukid, na mapuputi na upang anihin.
a. Ang disipulo ni Kristio ay laging
may dahilan. Sinasabi nila kay Hesus, “May apat na buwan pa at saka mag-aani.”
b. Totoong madaling gumawa ng dahilan
sa bawat Kristiyanong masuwayin.
c. Ngunit sa mga Kristiyanong handang
sumunod sa dakilang utos ni Kristo na mag-akay ng kaluluwa, lagi silang handa.
ROMANS 1:14-16 Rom 1:14 Ako'y may utang sa mga
Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga
mangmang.
Rom 1:15 Kaya nga, sa ganang akin,
ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.
Rom 1:16
Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng
Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa
Griego.
Pangwakas:
Palaging sarado at matigas ang puso
ng masuwaying Kristiyano at palaging binabalewala ang Salita ng Diyos. Ito ang
mga mensahe na ayaw na ayaw marinig ng mga masuwaying Kristiyano sa Panginoon.
* God bless you all always *
No comments:
Post a Comment